Ulat ng BH Team/Gideon Visaya
TUGUEGARAO CITY-Mga kabayo at kalesa, nagpabonggahan sa pagrampa at disenyo sa Kalesa Spectacle na bahagi ng Pavvurulun Afi Festival ng ginanap sa SM City transport bay sa siyudad.
Mga natibong kagamitan sa sakahan, pamayanan at iba ang mga ginamit ng mga kalahok habang tila mga prinsesa at prinsipe naman na inayusan ang mga kabayo para may laban sa patimpalak.
Pinalakpakan ng manonood ang mga kaaya-ayang mga kabayo at magagara at bagong pinta na mga kalesa. Matapos ang hatol ng inampalan, panalo ang kalesa ni Tirso Paddayuman na nag-uwi ng ₱15,000 matapos mangibabaw sa 26 kalahok mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Tampok sa kanyang disenyo ang mga indigenous materials gaya ng palay, pang-araro, mga kilalang tourist spots sa Tuguegarao na ipininta upang palakasin ang agrikultura at kultura.#