Ulat ng Balitang Hilaga Team
Kantori at Maskota sa Cagayan dances, ilan lamang sa mga patok sa cultural night sa Pavvurulun Afi Festival sa Tuguegarao City kamakalawa.
Ang Kantori at Maskota ay mga tradisyunal na sayaw sa kasalan, binyagan at anumang piging ng mga Ibanag sa Lambak ng Cagayan partikular sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
Kadalasang ginagawa ng bagong kasal o iba pang miyembro ng komunidad sa pagdiriwang ng kasal ang Kantori.
Sa saliw ng kapana-panabik na mga indak at sayaw, pinalakpakan ng mga manonood ang mga presentasyon.
Naging mas kaaya-aya pa ang mga pagsasayaw dahil sa mga special lighting designs at koreograpiya na isinagawa sa gymnasium ng lungsod.#