Pagsasagawa ng Clean-up Drive sa Gold Field Patriot Eagles Club – Cordillera Chapter

Ulat ni Ma. Carla Natividad

Tumulong sa paglilinis ang mga kapulisan sa Brgy. Virac sa bayan ng Itogon, Benguet.

Ayon sa Itogon Municipal Police Station, dahil sa masangsang na amoy ng mga nakatambak na basura sa kanilang lugar ay dumulog ang mga opisyal ng Brgy. Virac at mga miyembro ng Gold Field Patriot Eagles Club – Cordillera Chapter sa kanilang himpilan upang humingi ng tulong.

Agad namang umaksyon ang nasabing istayon at sila ay lumahok sa inorganisang clean-up drive ng Gold Field Patriot Eagles Club – Cordillera Chapter na nilahukan din ng mga brgy officials, BPATS, mga residente at iba pang mga volunteers.

Matapos linisin ang mga tambak ng basura ay nagtulong-tulong din sila sa wastong paghihiwalay ng mga basura bago ito hakutin ng mga basurero. (PROCOR-PIO Press Release)