Source: PRO2 Regional Public Information Office

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan-Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng marijuana sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay kinilalang si Mark Bulhayon, 43 anyos, residente ng Purok 5, Brgy Paitan, Bayombong Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ng PNP Bayombong, hapon ng a primero ng Oktubre taong kasalukuyan nang ikasa ang anti illegal drugs operation ng pinagsanib pwersa ng PDEU, 1st Nueva Police Provincial Office at Bayombong Police Station na nagresulta ng pagka aresto ng suspek at pagkumpiska sa isang puno ng fully grown marijuana na nakatanim sa paso, isang pakete na naglalaman ng uprooted marijuana plant isang plastic blue container na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana at karagdagang tatlong piraso ng plastic container na naglalaman ng dahon ng marijuana. 

Si Bulhayon at ang nakumpiskang mga ebidensya ay nasa pag iingat ngayon ng PNP Bayombong.

Sasampahan ang suspek ng  kasong paglabag sa RA 9165 partikular sa Section 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.#