Lubog pa rin sa baha ang malaking bahagi ng lungsod ng Tuguegarao kasunod ng pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng mga naranasang pag-ulan dahil sa bagyong Pepito.
Marami naman sa mga apektadong residente ang namamalagi sa mga evacuation center habang may mga pangunahing lansangan din ang apektado dahil sa pagtaas ng tubig-baha.
Makikita rin sa video ang mataas na lebel ng tubig sa bahagi ng Buntun Bridge sa lungsod ng Tuguegarao.#