Home News Kawani ng pamahalaan sa Bayombong, Nueva Vizcaya, timbog sa shabu

Kawani ng pamahalaan sa Bayombong, Nueva Vizcaya, timbog sa shabu

0
28
Courtesy: Nueva Vizcaya PPO

Timbog sa isinagawang operasyon ng mga otoridad ang isang kawani ng pamahalaan ng Nueva Vizcaya sa Aglipay street ng District 4 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ng pulisya, dinakip ang suspek na itinuturing din bilang High Value Individual(HVI) na residente ng Santo Domingo, Bambang dahil sa pagiging kawani nito sa gobyerno at pagkadawit sa illegal drugs. 

Nakuha mula sa suspek ang dalawang pakete ng shabu na may bigat na 1.1 gramo at may halaga na 7,480 piso.

Pangatlong beses na umanong nadakip ang suspek.

 Sa una niyang pagkakahuli, naisilbi umano nito ang ipinataw na parusa samantalang dumaan sa plea bargaining agreement sa ikalawang pagkakataon.

Ayon sa suspek, binili niya ang shabu sa presyong 4,080 piso na ibebenta rin sana niya ngunit pulis daw pala ang katransaksyon niya.

Nakuha rin ang 3,400 piso, buy-bust money at cellphone ng suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ng Bayombong ang suspek na sinampahan ng kaukulang kaso hinggil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.#