Image courtesy: Tuguegarao CIO

Sinuspinde ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que ang klase sa lahat ng antas sa lungsod simula 1:00 ng hapon ngayong araw ng Lunes, Setyembre-2, 2024.
Kasabay nito, itinaas din ang Liquor Ban sa buong syudad at hihigpitan ang curfew hours sa mga menor de edad sa lungsod mula 9:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.
Ipinagbabawal din ng punong ehekutibo ang pagligo sa mga ilog sa at floodwaters sa buong Tuguegarao City.#