Home News Kotse, nawalan ng preno at nahulog sa bangin, apat katao sugatan

Kotse, nawalan ng preno at nahulog sa bangin, apat katao sugatan

0
97
Courtesy: PNP Mayoyao

Apat na katao ang nasugatan sa kotseng nawalan ng preno at nahulog sa bangin sa Sitio Nafitowan, Chaya, Mayoyao, Ifugao.

Ayon kay Police Capt. Hanibal Homecgoy, acting chief police, agad nagsagawa ng rescue ang mga otoridad kasama ang mga kasapi ng disaster responders ng health office, fire station at provincial health office ng Ifugao.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga sugatan. Naiahon na rin ang kotse mula sa bangin.

Dahil dito, nagpaalala ang mga kasapi ng pulisya sa mga motorista na tiyaking obserbahin ang “BLOWBAGETS” o Brake, Lights, oil, Battery, Air, Gas, Engine, Tires and Self para sa kanilang kaligtasan.#