Kotse, sumalpok at sumira sa poste ng kuryente sa Tuguegarao City kaya nagdulot ito ng brownout ngayong umaga.
Dahil sito, kasalukuyang kinukumpuni ng crew ng Cagayan 1 Electric Cooperative (CAGELCO 01) ang nasirang poste sa bahagi ng Riverside, Tuguegarao City matapos mabangga ng isang puting SUV ang kanilang poste.
Kabilang sa mga lugar na nawalan ng kuryente ay ang sakop ng Feeder 13, o ang mga barangay ng:
Larion Alto, Larion Bajo, Capatan, Libag Norte, Libag Sur, Gosi Norte, Gosi Sur, Tagga,Dadda, Namabbalan Norte, Namabbalan Sur;
Gayundin sa GBA Bldg. Balzain, Centro 1, Centro 5, Centro 9, Along Rizal St. of Centro 4, Along Rizal St. of Centro 7, Along Rizal St. cor. Legazpi St. of Centro 8, Aguinaldo St., Zamora St., Arellano St., Mabini St., Lecaros St., Maura St., Pilapil St., Del Rosario St. Cor. Zamora St., Dr. Domingo S. De Leon General Hospital.
Tinatayang sa loob ng ilang oras ay maaayos na ng CAGELCO 01 ang repair sa nasirang poste ng kuryente ngayong araw.#