Courtesy: PAGASA

Ihanda na ang mga payong at mga bubong dahil opisyal nang inanunsyo ng PAGASA ang La Niña.

Inaasahan na magpapatuloy ito mula Enero hanggang Marso. Ang La Niña ay nagdudulot ng mas maraming pag-ulan.

Ano ang epekto nito?

• Mas mataas ang tsansa ng pagbaha at landslide dahil sa posibilidad ng tuloy-tuloy na ulan.

• Posibleng maging mas malakas ang mga bagyo na pumasok sa bansa bagamat hindi peak typhoon season ang buwan ng Enero hanggang Marso.

• Maaaring makaapekto rin sa agrikultura, gaya ng pagbaha sa palayan o pagkasira ng mga pananim.

Paano maghanda?

• Siguraduhing laging updated sa mga weather advisories ng PAGASA.

• Maghanda ng emergency kit na may pagkain, tubig, at mga baterya para sa anumang sakuna na may kinalaman sa malakas na pag-ulan gaya ng pagbaha.

• Para sa mga magsasaka, magplano ng maigi at kumonsulta sa lokal na agrikultural na opisina.#