Nahanap na ang labi ni Eliezer Geraldez Bulaybulay alyas “Dondon,” isang kasapi ng New People’s Army (NPA) mula sa Mindanao, matapos mapag-alamang isa siya sa walong bangkay na nahukay sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela noong Hulyo 2022.
Ang kapatid ni Dondon ang unang nakipag-ugnayan sa 95th Infantry Battalion matapos makatanggap ng impormasyon mula sa dating kasamahan ng kanyang kapatid sa Lambak ng Cagayan. Agad na tumugon ang 95th IB at nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang maproseso ang pagkuha ng labi.
Si Dondon, na taga-Barangay Kawayanon, Makilala, North Cotabato, ay sumali sa NPA noong 2016 bilang Team Leader ng Front 72, Far South Mindanao Region (FSMR). Noong 2017, lumipat siya sa Maynila at naatasan sa Regional Sentro De Gravidad sa Aurora-Quirino. Namatay siya dahil sa gutom, bunga ng sunod-sunod na military operations ng pamahalaan. Ayon sa mga nagbalik-loob na kasamahan, namatay siya noong Marso 2022 kinabibilangan nina alyas Eloy, alyas Bryan, alyas Marco, alyas Brad, alyas Monmon, Alyas Bambo, at alyas Dondon. Ang labi ni Bryan, isa sa mga namatay, ay inihukay ng kanilang mgs kasamahan matapos bawian ng buhay.
Ayon kay LTC Vladimir P. Gracilla (INF) PA Commander ng 95th IB “Sa naiiwan pa na nandyan sa Syera Madre, alam namin kung asan kayo binibigyan namin kayo ng pag kakataon na bumaba na po kasi sayang ang buhay ng tao.”
Lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Dondon sa paghahanap sa kanyang labi. Nanawagan sila sa mga nagre-recruit sa NPA na tumigil na, dahil kamatayan lamang ang mapapala. Ipinunto nila na sinamantala ng NPA ang pagkahilig ni Dondon sa baril, na nagtulak sa kanya sa kanyang kamatayan.#