ANGADANAN, Isabela-Arestado ang isang lalake matapos makasuhan ng statutory rape sa bayan na ito.
Nadakip si Alyas Omer, binansagang Top 6 Provincial Most Wanted Person ng kapiulisan, kahapon sa Brgy. San Ambrocio sa bayan na ito.
Kasama sa pagdakip ang mga pulis ng Angadanan Police Station bilang Lead Unit, Provincial Intelligence Unit ng IPPO, CIDG Isabela, at Regional Intelligence Unit 2 sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inisyu ng korte noong November 23, 2024 walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Agad na dinala ang suspek sa Angadanan Police Station para sa naaayong dokumentasyon at tamang disposisyon.#