Courtesy: LGU Cabagan Square Park

Lalakeng nag-ala Santa Claus, namigay ng mga regalong laruan at mga pagkain na ikinatuwa ng mga bata sa Cabagan, Isabela ngayon Araw ng Pasko.

Tuwing Araw ng Pasko, nakagawian na raw ng residenteng si Harold Cureg ang mamigay ng mga regalong pagkain, laruan at mga pera sa mga bata para magbigay-kasiyahan.

Ramdam raw niya ang saya ng mga bata kapag nakakatanggap ng mga laruan at pagkain tuwing Pasko kaya nais din niyang ibahagi ang kanyang konting kita tuwing holidays.#