Arestado ang isang lalake na nagbebenta ng baril sa bayan ng Solana, Cagayan matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Lingu, Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Cristiane Mark Simon y Bautista, 30 years old, single, unemployed and a resident of Bonifacio Street, Brgy. Centro Southeast, Solana, Cagayan

Batay sa ulat ng PNP Solana, dakong alas 7:20 ng gabi noong August 8,2022 nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib pwersa ng Cagayan PIU/PDEU sa pamumuno ni PMAJ JOEFFERSON GANNABAN at Solana Police Station sa pangunguna ni PMAJ DARWIN JOHN URANI sa Purok 5, Brgy Lingu, Solana, Cagayan na nagresulta sa pagkaka aresto ni Simon at pagkakumpiska ng isang caliber 38 revolver na may serial number 1103433 at kargado ng anim na bala na ibebenta sana sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa halagang sampung libong piso.

Nakumpiska din mula kay Simon ang isang libong piso at siyam na piraso ng isang libong pisong  boodle money.

Kasong paglabag sa RA 10591 ang isinampa laban kay Simon na naitala sa kasong Kriminal Bilang II-02-INV-22H-00292.#

(Photo courtesy: PNP-Region 2)