TUGUEGARAO CITY – Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na kabilang sa Top 5 Most Wanted Person Regional Level (WCPD) sa Solana, Cagayan matapos maaresto ng mga otoridad kanina umaga, ika-2 ng Agosto 2022. Ang suspek ay kinilalang si alias “Ronnie”, 29 anyos, at residente ng Barangay Andarayan South, Solana, Cagayan.

Batay sa report ng PNP Solana, bandang alas nuebe kanina umaga, August 2, 2022 nang naaresto ang suspek sa kanyang mismong tahanan sa nabanggit na lugar ng pinagsanib pwersa ng Solana Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit- Provincial Intelligence Unit, 3rd Maneuver platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, Cagayan PPO, RGS2 at Regional Intelligence Unit 2.

Nangyari ang insidente noong Pebrero 2022 sa isang menor de edad na “step son” ng suspek sa kanilang tahanan sa nabanggit na lugar. Ang pagkaaresto ng suspek ay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Marivic Cacatian Beltran ng Regional Trial Court Branch 4 noong July 1, 2022 sa kasong “Qualified Rape” under ART 266-A para 2 of the RPC docketed criminal case No. 23522 na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Solana Police Station para sa documentation at tamang disposisyon.#