Arestado ang isang lalaki matapos itong masamsaman ng baril at lumabag sa RPC Art. 179 o Illegal Use of Uniform and Insignia sa Purok 1 Brgy. Silawit, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jonel” na napasakamay ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan CCPS katuwang ang RMU2 sa bisa ng Warrant of Arrest.
Habang isinasagawa ang nasabing operasyon, napansin ng mga awtoridad na mayroong dalang sling bag ang naturang suspek. Kaya’t agad nagsagawa ng body search at pagsusuri sa sling bag ng suspek.
Sinabihan naman ng mga awtoridad ang asawa ng suspek na buksan nito ang sling bag at inilabas niya mula rito ang isang (1) piraso ng Glock 22 Gen 4 USA pistol with inserted magazine at Labing-Limang (15) piraso ng Live ammunition ng Caliber 40mm; Isang (1) piraso ng magazine loaded with 15 live ammunition for Caliber 9m at walong piraso ng live ammunition for Caliber 45mm.
Walang naiprisintang anumang dokyumento ng baril ang suspek kayat agad itong kinumpiska.
Kaagad dinala sa Cauayan District Hospital ang suspek at sumailalim sa pisikal na pagsusuri bago ito dinala kasama ang mga nakumpiskang ebidensya sa Cauayan CCPS.
Samantala, inihahanda na rin ang isa pang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa suspek.#