Ngayong araw, naglabas muli ng Biosurveillance Report ang Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), kung saan may karagdagang 40 na kaso ng Delta Variant sa Rehiyon Dos. Lahat ng mga kaso ay purong local cases at fully-recovered na o gumaling na mula sa sakit.
Ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ay nakatanggap ng kumpirmasyon ng mga bagong kasong naitala mula sa Epidemiology Bureau (EB) ng Department of Health (DOH) Central Office, ayon dito, patuloy paring apektado ng Delta Variant ang apat na probinsya ng Lambak Cagayan at nananatiling Delta case-free ang probinsya ng Batanes. Ayon sa report, ang probinsya ng Cagayan ay may limang kaso mula sa Peñablanca (2) at Tuguegarao (3). Pumalo sa labing dalawang (12) kaso ng Delta Variant ang probinsya ng Quirino mula sa Diffun (6), Maddela (4) at Saguday (2), samantalang sa Nueva Vizcaya ay may isang kaso mula sa bayan ng Bambang. Nananatiling mataas ang bilang ng Delta cases sa probinsya ng Isabela na may 22 cases mula sa City of Santiago (13), Cabagan (4) at tig-isa sa mga bayan ng Aurora, Cordon, Jones, San Agustin, at San Mateo.
Ang Special Action Team (SAT) ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ay katuwang ang mga Rural Health Units at Local Government Units ng mga apektadong munisipalidad sa pagsasagawa ng case investigation at contact tracing activities. Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang Kagawaran kung kinakailangan.
Ang kooperasyon ng bawat isa ay mahalaga sa pagpapababa ng COVID-19 cases sa ating komunidad kaya epektibo parin ang pagsunod sa ating Minimum Public Health Standards (MPHS). Muling ipinapaalala ng Kagawaran ng Kalusugan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 ay libre, take it when it’s your turn upang maprotektahan ang iyong sarili at mga minamahal sa buhay, makipag-ugnayan lamang sa inyong LGU tungkol sa proseso ng pagpapalista. Ang MPHS at bakuna kontra COVID-19 ay mga mahahalagang sangkop laban sa COVID-19 at anumang variants nito.
coutesy: DOH-Region2