Landslides, saradong kalsada, clearing, post-clearing at nadadaanan na, courtesy of MDRRMC Kayapa

Ulat ni Villamor Visaya Jr.

Nagka-landslides sa bahagi ng Nueva Vizcaaya-Benguet national road partikular sa Junction-Kayapa Proper Oyawe Section ng Kayapa, Nueva Vizcaya kaninang madaling araw, July 20.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang kalsada ng ilang oras ang lugar para sa clearing operations hanggang kaninang alas nuebe.

Sa ngayon, nadadaaanan na ngayon matapos ang halos limang oras pero nagbabala ang awtoridad na mag-ingat sa pagdaan sa lugar dahil maputik at madulas pa rin ang kalsada.#