Landslides sa Benguet, naranasan ng Hulyo 29 habang clearing operations nagpapatuloy.
Kaya naman abala ang mga kasapi ng Sablan Municipal Police Station sa road clearing operation sa mga bumagsak na bato, lupa at puno sa bahagi ng Baguio-Bauang National Road particular sa Sitio Oriao, Brgy. Banangan, Sablan, Benguet kanina.
Sa ngayon, one-lane passable na ang lugar.
Sa Itogon, Benguet naman, agad din na umaksyon ang mga kasapit ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company sa clearing operations sa pagguho ng lupa sa Binga-Guiset Road sa Sitio Boneco, Brgy. Tinongdan.
Sanhi raw ng malakas na pag-uulan na dulot ng Habagat ang mga pagguho ng lupa.#