SAN MANUEL, Isabela-Namigay ng ayudang food packs sa 600 na mga pamilya at 600 rin na mga benepisyaryo na tig-P2,000 bawat isa sa ilalim ng Assistance in Crisis Situation (AICS) program ang tanggapan ni Senador Tolentino na ginanap sa covered court sa District 2 sa bayan na ito, Enero 22.
Laking tuwa ng mga residente , kabilang na si Lola Mary Grace Garcia, 75-anyos na residente na nabigyan rin ng wheelchair kasama ang limang iba pa maliban sa tulong pinansyal.
Sa kanyang pagbisita sa lugar kasama ang mga bayan ng Aurora, Roxas, Burgos at Ilagan City sa pangalawang araw ng kanyang pag-iikot.
Ibinahagi rin ng senador sa mga mamamayan ang kanyang inakda na LITAW (Liwanag, Internet, Tubig, Assistance and Welfare) Program na ipapatupad na ng Department of Social Welfare and Development sa susunod na linggo.
Ito ay pinangalanang Three-Gives Law na magbibigay ng tulong at suporta sa mga kababayang apektado ng kalamidad at nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan. Pinapayagan ang mga apektadong kababayan na magbayad ng kanilang mga bayarin sa utility services, tulad ng kuryente, tubig, at internet sa loob ng tatlong buwang installment, lalo na sa panahon ng kalamidad o anumang emergency.#