Sinira ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 2 ang libu-libong kahon ng nakumpiskang imported na alak at hindi rehistradong sigarilyo sa isinagawang nationwide carckdown sa Sanitary landfill ng Tuguegarao City.
Ayon sa BIR Region 2, nakumpiska ang mga hindi rehistradong sigarilyo at imported na alak sa iba’t ibang establisyemento sa Tuguegarao, Sta. Ana, Cauayan, Alicia, at iba pang lugar.
Upang matiyak na hindi na muling maibebenta ang mga nasabat na produkto, isa-isa itong dinurog gamit ang shredder machine.
Layunin ng isinagawang hakbang ng ahensya na labanan ang smuggling at hindi otorisadong pagbebenta ng sigarilyo at alak.
Pinaalalahanan naman ng BIR ang publiko na iwasan at huwag tangkilikin ang mga hindi rehistradong produkto.#