Katrina Enrile, inendorso ng limang mga mayor at tatlong mga mayoral bets raw para sa serbisyo-publiko sa mamamayan ng 1st district ng Cagayan

Ulat ni Villamor Visaya Jr., Philippine Daily Inquirer news correspondent/Phil. News Agency stringer at Balitang Hilaga publisher-editor

INENDORSO ng limang mga kasalukuyang mayor at tatlong mga kandidato sa pagka-mayor ang kandidatura ni Katrina Ponce Enrile, anak ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, bilang congresswoman sa unang distrito ng Cagayan.

Kinilala ang mga nag-endorso na sina Mayor Nelson Robinion ng Santa Ana, Mayor Marilyn Pentecostes ng Gonzaga, Mayor Joan Dunuan ng Baggao, Mayor Rodrigo De Gracia ng Santa Teresita, Mayor Bryan Dale Chan ng Aparri,mayoral candidate at kasalukuyang vice mayor Licerio Antiporda III ng Buguey, mayoral candidate Isidro Cabaddu ng Camalaniugan at mayoral bet Ruben Valenzuela.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Enrile sa ipinakitang suporta ng mga mayor at mga kandidato. Anya, pag-iigihin pa ang kampanya at ilalapit pa lalo ang mga plataporma sa mga mamamayan sa unang distrito ng Cagayan.