Limang mga bangkay ng NPAs na napaslang sa enkuwentro, inilibing na kanina. Photos courtesy of 5th Infantry Division-Phil Army

Inilibing na ang mga labi kanina (Sept. 24) ng limang rebelde na napaslang sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga kasundaluhan at New People’s Army noong September 21 sa Dungeg, Sta. Teresita, Cagayan.Bago ang libing ay binasbasan ang mga labi na nasa kabaong ng isang pari. Sa pampublikong sementeryo ng Sta. Teresita inilibing ang mga labi. Inihayag ni Army Major Jekyll Dulawan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, sa panayam ng GMA News, ibinaba kahapon ang mga labi kung saan ipinasakamay ito sa kapulisan at hinintay na mayroong mag-claim na pamilya hanggang kaninang umaga.Gayunman, dahil walang nag-claim at dahil nasa decomposition stage na ay iminungkahi ng doktor na mailibing na ang mga ito.#