Namatay ang limang small scale miners sa loob ng tunnel sa barangay Runruno, Quezon ngayong umaga ng Hunyo 24 dahil sa kakulangan ng oxygen.
Ayon sa report ng Quezon Police Station, ang mga bangkay ng mga biktima ay natagpuan ngayong 1 p.m. ng isang nagngangalang Russel Tumapang, 29 anyos, na pumasok sa nasabing tunnel at agad itong ipinarating sa pulisya at kay Barangay Captain John Babliing.
Kinilala ng PNP ang mga nasawi na sina Daniel Segundo Paggana, 47; Lipihon Ayudan, 56; Florencio Indopia, 63, ng barangay Runruno; Alfred Bilibli, at Joval Bantiyan, na taga barangay Cabuan, Maddela, Quirino.
Ayon sa imbestigasyon ng PNP, ang mga nasawi ay nagsasagawa ng ilegal na small scale mining activities sa nasabing lugar.
Ayon pa sa imbestigasyon, hindi na nakalabas sa loob ng tunnel ang mga illegal miners na may lalim na 300 meters dahil sa kakulangan ng oxygen.
Kasalukuyan ang retrieval operations sa lugar ng pinagsamang grupo ng PNP, BFP, MDRRMO at iba pang katuwang na organisasyon.#