Ulat ni SAMMY BALTAR
Mas ligtas at mas maayos na ngayon ang tirahan ni Lola Norma Gutierrez, 72 taong gulang, matapos igawad sa kanya ng 1st Quirino Police Mobile Force Company ang bago nitong bahay.
Bahagi ito ng Barangayanihan, Lingkod Bayanihan at 1st QPMFC Really Cares “PROJECT SOUL (Shelter Of Unity and Love)” na naturang mobile force company.
Si Lola Norma ay nakatira sa barangay Dibibi sa Cabarroguis, Quirino.
Ayon sa report ng naturang mobile force, napili siyang benepisyaryo na kanilang pabahay project dahil bukod sa hindi na ligtas tirhan ang kanyang bahay ay mag-isa na lang din itong namumuhay.
Iginawad ang kanyang bagong bahay noong ika-14 ng Hunyo kung saan nasaksihan ito ni PNP chief Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa pamamagitan ng zoom. Aktwal namang tinaggap ni Lola Norma ang susi ng kanyang bagong bahay na sinaksihan naman ng kapulisan.
Binigyan din ni Regional Director PBGENCrizaldo O. Nieves na dalawang kaban ng bigas at sari’t saring grocery items ang benepisyaryo.#