Home News Lola, patay nang masunog kasama ng kanyang bahay sa Alcala, Cagayan

Lola, patay nang masunog kasama ng kanyang bahay sa Alcala, Cagayan

0
30
Courtesy: BFP-Region 2

Patay ang isang lola matapos itong masunog nang hindi ito makalabas sa natutupok nitong bahay sa Barangay Afusing Daga, Alcala, Cagayan.

Kinilala ang biktima sa alyas na Maria, 81-anyos at residente sa nasabing lugar. 

Tumugon ang Alcala Fire Station nang matanggap ang ulat kaugnay sa sunog sa isang bahay kahapon, Marso 27, 2025.

Kaugnay rito, mabilis ding nilamon ng apoy ang naturang bahay dahil gawa ito sa light materials at hindi rin nagawang makalabas ng biktima dahil sa napalibutan na ito ng apoy. 

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kawani ng Alcala Fire Station upang matukoy ang sanhi at posibleng pinagmulan ng apoy na tumupok sa bahay at sa lola.#