Magbubukas ng isang spillway gate ang Magat Dam Reservoir, bukas sa oras na alas otso ng umaga Oktubre 29, 2022, bilang paghahanda sa bagyong Paeng.

Batay sa ibinigay na abiso ng pamunuan ng Magat Dam, Gate no. 4 ang bubuksan na may taas na isang metro at magpapakawala ng tinatayang 200 cubic meters per seconds ng tubig.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang lahat na iwasan ang pagtawid at  pamamalagi sa  Cagayan river.