Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Sa patuloy na pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga, matagumpay na naaresto ng Regional Drug Enforcement Unit 2 katuwang ang PNP Echague ang magkapatid na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ngayong araw, ika-3 ng Hunyo, 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Udang,” 41-taong gulang at “Ando,” 36-taong gulang, parehong walang trabaho at mga residente ng Brgy. Longos, Malabon City.
Ayon sa ulat ng PNP Echague, nagtungo ang magkapatid sa isang hotel sa Echague, Isabela upang pagbentahan ang mga operatiba ng dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na naging sanhi ng kanilang pagkaaresto.
Umabot sa Php107,106.00 na halaga ng hinihinalang “shabu” ang nakumpiska sa mga suspek.
Ang magkapatid ay nasa kustodiya ngayon ng Echague Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Christopher C Birung ang mga kapulisang nasa likod ng matagumpay na operasyon.
“Hinihingi ko ang buong kooperasyon ng mamamayan upang masugpo ang ilegal na droga sa Lambak ng Cagayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad,” saad nito.#