Courtesy: Police Regional Office 2

Arestado ang isang magsasaka sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng ilegal na baril, droga at paglabag sa COMELEC gun ban sa Barangay Ambalatungan, Santiago City

Kinilala ang suspek na si alyas Rey, 47 anyos, magsasaka, at residente ng Echague, Isabela.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber 9mm, isang 9mm magazine, 0.8 grams ng hinihinalang shabu at boodle money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, RA 9165 at paglabag ng COMELEC gun ban.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.#