Nakumpiska sa isinagawang operasyon ng mga otoridad ang nasa mahigit pitong daang bala ng matataas na kalibre ng baril sa Enrile, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Alias โBilisโ, 67 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. II, Enrile, Cagayan.
Nasamsam mula sa suspek ang isang link ng caliber 5.56mm na naglalaman ng 208 pirasong bala na nakaimbak sa isang polymer ammunition box, isang gallon na kulay lila na may 461 pirasong bala ng 5.56 rifle at 77 pirasong bala para sa cal.30 carbine rifle.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, na may kaugnayan din sa Omnibus Election Code bilang bahagi ng Election Gun Ban.#