BENGUET-Malawakang pagguho ng lupa, nararanasan sa Benguet at Baguio kaya sarado ngayong oras habang clearing operations, nagpapatuloy ngayon, July 28.
Sa ulat ng DPWH-Cordillera, isinara sa mga motorista ang Eastern Link circumferential road sa Baguio dahil sa pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga puno ng 1:30 ng hapon ngayon (July 28) habang patuloy ang clearing operations. Pinapadaan muna pansamantala sa alternatibong ruta ang mga motorista.
Sa Buguias, Benguet, nagkaroon muli ng pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga puno sa gitna ng kalsada sa Pakpakitan section ng Barangay Natubleng ng 1:20 ng hapon ngayon. Kasalukuyan ang clearing operations.
Sa Atok, Benguet, nakaranas rin ng pagguho ng lupa sa Bontoc, Mt. Province-Baguio City road sa bahagi ng Bonglo, Paoay, Atok, Benguet ng ala-una ng hapon. One-lane passable na ang daan dahil patapos na ang clearing sa lugar.#