Pinay OFW na si Mary Jane Veloso na una ng nahatulan ng death sentence sa Indonesia dahil sa drug offense makakauwi na ng Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Chief Executive, nagpaabot ng pasasalamat Kay Indonesian President Prabowo Subianto.
Una nang ibinalita na nakatakdang pauwiin ng Indonesia si Mary Jane na 14 na taon nang nasa death row matapos makitaan ng 2.6 kilo na heroin sa kanyang maleta.
Nanindigan si Mary Jane na ang heroin ay inilagay lang sa kanyang dalang maleta ng kanyang dating kaibigan na nangakong ipapasok siya ng trabaho sa Malaysia, matapos siyang magbyahe sa Indonesia.
Hindi pa malinaw kung ililipat lang ng kulungan si Mary Jane sa Maynila, o papalayain sa bisa ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kapag narito na siya sa bansa.#