Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pumapalo sa 36-degree hanggang 40-degree Celsius heat index ang nararamdaman ngayong Martes, Marso 11, 2025 sa Isabela at Cagayan.

Ayon kay Engr. Tony Pagalilauan ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, ang nasabing heat index ay nasa kategoryang โ€œextreme cautionโ€ o ibayong pag-iingat. Pinayuhan ang publiko na iwasang magbabad sa araw mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon dahil sa mga oras na ito nararamdaman ang mainit na panahon. Paliwanag ng naturang tanggapan, ang heat index ay nararamdaman sa oras na ala-una hanggang alas tres ng hapon, kaya kung maaari ay huwag lumabas ng bahay para makaiwas sa anumang sakit na dulot ng mainit na panahon.