Home News Mayor Josemarie Diaz at anak na si Jayve, nanumpa bilang alkalde, bise...

Mayor Josemarie Diaz at anak na si Jayve, nanumpa bilang alkalde, bise alkalde sa Ilagan City

0
42
Larawan kuha ni EUNYLL GARDUQUE


Ulat ng BH Team


LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela-Pormal na iniluklok si Mayor Josemarie “Jay” Diaz sa pwesto ni Isabela Governor Rodolfo Albano III sa isinagawang oathtaking rites sa Capital Arena noong Hunyo 28 dito.
Inihayag ni Mayor Diaz na inaabot niya ang kanyang mga bisig “sa pagkakaibigan at hayaan ang lahat ng nakaraan ay ilibing na ngayon sa limot.”
“Ipinaabot ko ang aking mga kamay para sa tunay na pagkakasundo at pagkakaibigan…hayaan ang pagkakaisa sa puso ng bawat Ilagueno na lumago nang sama-sama,” dagdag niya.
Ang kanyang anak na si Jay Eveson “Jayve” Diaz naman ay nanumpa bilang bise alkalde sa harap ni LPGMA partylist Rep. Allan Ty.
“Sisiguraduhin ko sa iyo na magkakaroon ng konseho ng lungsod na may patas at pagkakapantay-pantay,” sabi ni Jayve.
Kalaunan ay nanumpa ang mga miyembro ng konseho ng lungsod sa harap ni Mayor Diaz.#

Si Mayor Josemarie Diaz habang itinataas ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang kanyang kamay matapos ang oath-taking. (Larawang kuha ni Eunyll Garduque)