Matagumpay na naidaos ang Media lakbay Aral na ginanap sa San Pablo, Laguna noong ika 28-29 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ito ay pinangasiwaan ng CARD – Mutually Reinforcing Institution at ng CARD Publishing.
Dinaluhan ito ng mga Media Partners ng nabanggit na institusyon mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kabilang dito ang Luzonwide News Correspondent, Balitang Hilaga, Daily Guardian, Radyo Pilipinas, at Ronda Balita.
Layunin ng programa na maipakilala ang mga maliliit na komunidad at kliyente na tinutulungan ng CARD-MRI upang mas makilala ito ng publiko at mas tangkilikin ang kanilang mga produkto.
Kabilang ang Sampaloc lake, Cathedral Parish of Saint Paul at Munisipyo ng San Pablo sa mga binisitang lugar sa Media Tour kung saan naipakita dito kung paano nag-iba ang papel ng mga kababaihan magmula noong pre-historic era hangggang noong tayo ay nasakop ng mga kastila.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga kalahok na mabisita ang Forest Wood Garden kung saan matatagpuan ang pinagmamalaking Pansit kalaBuko ng San Pablo, Laguna. Natunghayan ng grupo ng mga mamamahayag ang paraan ng pagluluto nito na ipinakita mismo ni Joel Frago, orihinal na may likha ng Pansit KalaBuko.