Ulat ng BH Team
NUEVA VIZCAYA-Ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules ng tig-P50,000 cash at P20,000 cash assistance sa mga pamilya ng apat na small-scale miners na namatay sa hinukay na mining hole sa Sitio Capitol, Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya.
Sinabi ni Kapitan John Babli-ing ng Barangay Runruno na ang 68 miner-rescuers na tumulong sa rescue and retrieval operations ay nakatanggap din ng tig-P3,000 bilang tulong para sa pagtulong sa pagkuha ng bangkay ng tatlong minero at isang rescuer na namatay dahil sa kakulangan ng oxygen at pagkakaroon ng nakalalasong gas matapos maipit sa loob ng butas. Tinanggap ng mga kaanak ng napatay na mga minero na sina Daniel Segundo, 47; Florencio Indopia, 63; at Lipihon Ayudan, 56, at ang patay na rescuer na si John Philip Guinihid, ang tulong.
Naibigay naman ang P15,000 tulong para sa naospital na si rescuer Johnny Ayudan, kapatid ng isa sa mga nasawi na si Lipihon Ayudan.Gayunman, namatay ngayon Hulyo 4 si Johnny. Pinuri rin ng pamahalaang bayan ng Quezon ang mga minero-rescuer sa kanilang “katapangan at kabayanihan, at itinaya ang kanilang buhay upang kunin ang mga biktimang una nang nahihirapang huminga dahil sa kakulangan ng hangin at nakakalasong gas.
Bukod sa mga minero, tumulong din ang mga manggagawa ng mining companies na FCF Minerals, OceanaGold, at Lepanto Mines hanggang sa makuha ang lahat ng bangkay mula sa lalim na 400-700-meter sa ilalim ng lupa noong Hunyo 26 ng hatinggabi. Bukod sa mga lokal na minero, tumulong din ang mga minero mula sa FCF minerals, Oceana gold at Lepanto Mines hanggang sa ma-pull out ang lahat ng biktima noong Hunyo 26. Narekober ang mga ito sa lalim na 300-700 metro. Noong Sabado, Hunyo 28, inilibing ang dalawa sa mga namatay at kahapon, Hulyo 2, inilibing din ang ikatlong nasawi. Isa sa nasawi ang naibalik sa kanilang probinsya sa Barangay Cudog, Lagawe, Ifugao.#