Photos by: Vince Jacob Visaya

By Demie Faith Danday, Contributor

Ang pagtanggap kay Leni Robredo ng mga taga Tuguegarao ay kasing-init ng panahon sa kanilang lugar.

Tinatayang nasa dalawang libo ang dumagsa sa Sts. Peter and Paul Cathedral, Tuguegarao City upang salubungin at suportahan ang tumatakbo sa pagka presidente na si Leni Robredo.

Ayon sa aming nakapanayam na si Nanay Merlita Marquez, ang kanilang grupo ay mula pa sa Apari, Cagayan, alas sais pa lamang daw ng umaga ay bumiyahe na sila upang masilayan at suportahan ang kanilang “manok”.

Ayon din ky June na isang mag aaral sa isa pinaka malaking paaralan sa Tuguegarao, nais daw niyang ibigay ang kanyang ipinintang litrato ni Leni upang ipakita ang kanyang “solid” na suporta rito. Ang kampo ng tumatakbo sa pagka pangulo na si Leni Robredo ay patuloy parin na nag-iikot sa buong bansa upang kumbinsihin at ligawan ang mga Pilipino para makuha ang kanilang suporta sa darating na halalan.#