ulat ni Lemar Torres
Sama-samang nagmartsa ang ilan sa mga tumatakbong kandidato para sa lokal na eleksiyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan ng lungsod ng Cauayan para sa Unity Walk at Peace signing covenant ngayong unang araw ng Oktubre, 2023.
Layunin ng programang isulong ang malaya, patas at malinis na halalan para sa BSKE ngayong taon sa siyudad.
Sinabi naman ni Police Colonel Julio Go, ang tumatayong Provincial Director of PNP Isabela na mahalaga umanong magkaroon ng mga ganitong programa upang masigurong payapa ang kalalabasan ng 2023 BSKE elections.
Inisa-isa naman ni Attorney Christopher Thiam, ang election officer ng Cauayan ang mga hakbang at panuntunan para sa nalalapit na campaign period.
Matapos nga ang open forum ay nagkaroon ng piramahan o Peace covenant signing ang mga kumakandidato bilang pakikiisa sa matiwasay na halalan.