Ulat ng BH Team/GIDEON VISAYA
Mga natibong produkto ng mga artisans at mga visual artists ng lalawigan, tampok sa Quirino Arts and Crafts Exhibit sa Panagdadapun Festival na nakadispley sa pavilion ng Capitol Hills, Cabarroguis, Quirino Province.
Bahagi ito ng isang linggong pagtitipon para sa 54th Araw ng Quirino at Panagdadapun Festival 2025 na nagsimula noong September 5 at magtatapos sa September 11, ayon kay Provincial Tourism Officer Aurea Martinez.
Nakakabighani ang mga gawang kamay ng mga taga-Quirino na nagpapakita raw ng orihinal na paggawa ng handicraft mula sa salinlahi.
Bahagi na raw ito ng tradisyon at kultural na simbolo ng mga taga-Quirino maliban pa sa dagdag-kita ng mga mamamayan.
Tampok sa exhibit ang mga gawa at may ilang demonstrasyon rin sa paggawa ng loom weaving, wood carving, fossilized lower making, pandan at bamboo weaving at Bugkalot accessories making.#