Ulat ng Balitang Hilaga Team
Mudslides at landslides sa bahagi ng Buhyo at Luhab sa Kiangan-Tinoc road sa Tinoc, Ifugao, sanhi ng pahirapan na pagdaan ngayon ng mga nakapilang stranded na mga motorista at mga residente ngayong araw, Agosto 19.
Simula kasi kahapon, Agosto 18, ay barado na ang kalsada at nag-clearing operations kanina at naka-one lane passable pero pahirapan ang pagdaan dahil sa maputik at lubak-lubak pa rin daw ang daan.
May nabalaho pa nga ng hapon na lalong nagpatagal sa mga una nang na-stranded sa lugar.
Isa si Meriam Akiangan-Dulawan sa nagtiis sa puyat at gutom ng isang araw at isang gabi simula kahapon dahil sa mud slides sa lugar.
Hanggang sa ngayon ay patuloy ang clearing operations.#