Ulat ng BH Team
Mga resipe na niluto at inihanda kasama ang premium-grade coffee beans bilang taste enhancer, tampok sa Panagdadapun Culinary with Coffee Fusion and Latte bar competition sa lalawigan ng Quirino.
Pumatok sa naturang kumpetisyon na bahagi ng Panagdadapun Festival ang mga lutong resipe at mga desserts ng mga chefs gaya ng Sticky Rice with Coffee, Dalgona Coffee, Coffee Glazed Bacon Cannoli, Coffee-infused Mushroom Pate with Seared Eel and Citrus Gel with Coffee, Coffee Crusted Pork Tenderloin with Citrus Coffee Gastrique, Coffee Twist with Ganache and Citrus Cream, Raon a Kape, Kape at Pulot Bites at iba pang mga appetizers, main courses, desserts, at latte art.
Ayon kay Dr. Jonathan Tariga, Panagdadapun culinary competition organizing committee head at propesor sa Quirino State University, palasak kasi ang kape sa Quirino na dinadayo pa ng mga taga-ibang lugar dahil sa natatatangi nitong sarap at aroma.
Kaya daw ito ang kanilang pinili na fusion o halo ngayong taon sa kulinarya. Noong 2023 ay bamboo shoots at noong 2024 ay ube daw kaya inisip nilang kape ang fusion.
Nagpasarapan sa pagluto at paghahanda ang mga kalahok at matapos ang pagpili, panalo ang grupo ng Saguday sa propesyonal na kategorya. Ipinanalo nila ang mga resipe na Coffee-infused Mushroom Pรขtรฉ in Wonton Cup with Seared Eel and Citrus Gel, Coffee-crusted Pork Tenderloin with Citrus-Coffee Gastrique, and a Coffee Tart with Coffee Ganache and Citrus Gel.
Pumangalawa ang mga grupo ng chefs ng bayan ng Diffun at pumangatlo ang Cabarroguis.
Sa kategorya ng mga esudyante, nanguna ang Maddela sa mga pagkaing Raon a Kape, Kape’t Pulot Bites at Biscoff Kape Truffle.
Pumangalawa ang bayan ng Diffun at pumangatlo ang Saguday.
Sa Latte Art naman sa propesyonal na kategorya, panalo ang bayan ng Aglipay habang pangalawa at pangatlo ang mga grupo na parehong taga-Cabarroguis.
Sa mga estudyante na kategorya, panalo ang Saguday, pangalawa ang Cabarroguis at Pangatlo ang Aglipay.#