Tinatayang nasa 12,000 na katao sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya ang dumagsa sa mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD F02, para sa Educational Assistance pay-out sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ngayong araw ng Sabado, Agosto-20.
Nasa 2,000 na indibiduwal ang pumunta sa mismong DSWD FO2 sa Tuguegarao; 5,000 sa Ilagan City sa Isabela; 3,000 sa Cabarroguis, Quirino; at 2,000 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa nasabing bilang, sinabi ng DSWD na inaasahang mga 4,000 dito ang mapagsisilbihan ngayong araw at mabibigyan ng financial assistance.
Nag-anunsiyo rin ang ahensiya ng cut-off kaninang 7:00 ng umaga dahil sa pagdagsa ng mga umaasang makakuha ng educational assistance.
Ang AICS Education Assistance ay programa ng Kagawaran para magbigay ng tulong sa mga Student-in-Crisis na maaari nilang magamit sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral tulad ng mga school fees, school supplies, projects, allowance, at iba pang mga bayarin.
Source: DSWD R02