ULAT ng Balitang Hilaga Team

SANTIAGO CITY-Iginiit ng Mines and Geosciences Bureau-Region 2, na outside sa Northern Sierra Madre natural park ang minahan ng Dinapigue Mining Corp. o DMC sa Dinapigue, Isabela sa kabila ng isyu ng logged over na area.

Sa ekslusibong panayam ng stringer na ito, inihayag ni MGB Regional Director Mario Ancheta na nasa labas ng protected area ang Minahan ng DMC at may permiso sila para sa mining operations at tree-cutting sa 15-ektarya na lugar, nasa 1.1-kilometro ang layo mula sa protected zone.

Aniya, nasa 12,000 puno ay naputol sa preparasyon sa Minahan pero minanduhan ang DMC na magtanim ng 100 puno sa kada isang naputol na punongkahoy.

Aniya, bagaman at wala pa sa rehabilitation phase ang DMC, nagsasagawa na raw ito ng reforestation sa non-operational at buffer areas, batay sa memorandum of agreement sa pagitan ng DMC at Department of Environment and Natural Resources.

Batay sa kalatas, may 1,299 ektarya sa Lambak ng Cagayan ang tatamnan ng kumpanya—may 125 ektarya sa Cagayan, 904 sa Isabela, 60 sa Nueva Vizcaya, at mahigit 200 sa Quirino.

Aniya, nakabantay rin ang Multipartite Monitoring Team (MMT) para sa  compliance sa Financial or Technical Assistance Agreement (FTAA).#