Ulat ni Villamor Visaya Jr.
Nagbigay-paalala ang awtoridad dahil tuloy-tuloy ang mudflow at debris flow mula sa bundok sa gilid ng kalsada sa Mavatuy, Ivana, Batanes ng hapon, July 23.
Ito ay dahil sa pag-uulan na dulot ng Habagat.
Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista sa madulas na daan na sanhi ng putik, debris, lupa at bato sa kalsada.
Huwag na lamang daw dumaan sa lugar kung di kinakailangan.#