Dinakip ang isang lalaki na nagpanggap bilang pulis sa Purok 4, Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Police Maj. Nova Lyn Aggasid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya PPO, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Roy”, 31-anyos, at residente ng Barangay Macabebe, Pampanga, matapos itong ireklamo ng biktimang si alyas “Jaja”, 33-anyos, at nakatira rin sa nabanggit na barangay.
Sa pahayag ng biktima, nagpakilala umano ang suspek sa kanyang bilang tauhan ng PNP Special Action Force (SAF) at nagpakita pa umano ito ng PNP ID upang makahiram ng pera.
Matapos ang ginawang pag-uusap ay inamin rin ng suspek na hindi talaga siya tunay na pulis dahilan ng kanyang pagkakaaresto.
Dinala ang suspek at ang nakuhang PNP ID sa himpilang ng Bagabag Police Station (PS) para sa dokumentasyon at mahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code (RPC) para sa Usurpation of Authority.#