Ulat ng Balitang Hilaga News Team/Felix Cuntapay Jr. at Ma. Jesusa Esteban
Nasa mahigit 600 mga mamamayan sa Nagtipunan, Quirino ang nagpahayag ng suporta kay Mayor Nieverose Camma-Meneses na nahaharap ngayon sa ten-month-and-fifteen-day suspension sa isyu ng oppression, abuse of authority at graft.
Sa naturang pagtitipon sa Landingan Viewpoint sa nagtipunan, Quirino, inihayag ni Meneses na “invalid and desperate” ang desisyon ng SP dahil wala umanong sapat na basehan at maliwanag na walang silang hurisdiksiyon.
Umapela siya kay Pangulong Duterte na makialam sa isyu dahil pinupulitika raw siya ng ilang opisyal sa Quirino Province.
“The provincial board has no substantive jurisdiction to determine (my) culpability on criminal cases. The provincial board, as a quasi-judicial body, cannot act beyond its mandate. Jurisdiction is conferred by law. It cannot be presumed,” ayon pa sa punongbayan.
Aniya, ini-invoke niya ang kanyang karapatan sa “presumption of regularity and good faith in the exercise of lawful prerogative” sa pag-reassign kay tourism officer Loyd Lozado Toloy sa Diadian cave dahil sa “exigency of the service.” Paniwala ng Sangguniang Panlalawigan, nasa batas ang kanilang mga ginawa at dapat raw na tumalima na lamang si Mayor Meneses.#