Ulat ng BH Team
Namatay na pulis sa Regional Training Center-2 sa Cauayan City, nakaburol na sa kanyang ancestral house sa Hingyon, Ifugao ngayon.
Una rito, naging palaisipan ang pagkamatay ng isang 48-anyos na pulis sa loob ng Regional Training Center-Region 2 na si Police Senior Master Sergeant Patrick Bumilac, 48, naka-assign sa PNP-Aglipay, Quirino at tubong Hingyon, Ifugao, at trainee ng Public Safety Senior Leadership Course (PSSLC) sa regional training center nang mamatay noong Hulyo 12 alas-9:30 ng gabi.
Natagpuan ang bangkay ni Bumilac na nakahandusay sa pagitan ng patrol car at ng bakod sa loob ng training center. Dinala siya ng mga pulis sa Cauayan District Hospital ngunit opisyal na itong idineklara na dead on arrival.
Si Bumilac ay nasa ilalim umano ng gamutan dahil sa hypertensive at dalawang beses na inatake sa puso, ang sabi ng pulisya. Hindi na-autopsy ang kanyang katawan.#