Nananalasa pa lamang ang bagyong Nika,
Susunod na naman ang bagyong Ofel.
Ito ay makaraang naging Tropical Depression na ang isang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at papangalanan na Ofel.
Huli itong namataan sa layong 1,620km silangan ng eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h malapit sa sentro, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 55km/h, habang patuloy na kumilos pakanluran hilagang-kanluran.
Inaasahan naman na papasok ito sa loob ng PAR bukas ng umaga, Nobyembre 12, 2024.
Batay sa Tropical Cyclone Advisory No. 1 ng DOST-PAGASA kaninang alas singko ng umaga, makikita sa forecast track nito na maaaring mag-landfall ang bagyo sa hilaga o gitnang bahagi ng Luzon sa Huwebes, Nobyembre 14 ng gabi o sa Biyernes, Nobyembre-15 ng madaling araw.
Posible rin itong lumakas pa bilang Severe Tropical Storm (STS) sa susunod na 48 oras at maaabot ang peak intensity bago mag-landfall.#