Ulat ng BH Team
Natagpuan na ang bangkay ng magsasaka kahapon ng 4:05 ng hapon sa Barangay Lanna, Tabuk City na pinaniniwalang tinangay ng agos sa Chico River sa kasagsagan ng bagyong Nando noong Lunes.
Positibong kinilala ang bangkay ni Nicholas Ol-oling, residente ng Pey-asan, Otucan Sur, Bauko, Mountain Province ng anak nito na si Crisniel.
Una rito, 23 na mga kasapi ng search and rescue/retrieval teams ang nag-umpisang maghanap kay Ol-oling na nawala habang nagpapastol ng kalabaw sa kasagsagan ng bagyong Nando.
Dinala ang mga labi ni Ol-oling mula sa Tabuk City patungo sa Bauko, Mt. Province ngayon.#