Photos Courtesy: PNP PRO2

CAMP MARCELO A ADDURU, TUGUEGARAO CITY – Isa pang HVI drug personality ang natimbog ng pulisya sa ikinasang anti- illegal drug buy bust operation sa bayan ng Solana, Cagayan kahapon.

Ang suspek ay ang negosyanteng si Dandy Dayag, 40 anyos, tubong San Roque, Penablanca pero kasalukuyang nakatira sa Centro Northwest, Solana, Cagayan.

Dakong alas 8:00 kagabi nang ikasa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Cagayan PDEU/PIU, RDEU at Solana Police Station sa pakikipagtulungan ng PDEA 2 sa Luna Street Centro Northwest, Solana na nagresulta ng pagkaaresto ni Dayag.

Nakumpiska mula sa kanyang pag iingat ang apat na piraso ng pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang libong piso at tatlong piraso ng one thousand peso bill na boodle money.

Ayon sa ulat, ang mga nakumpiskang iligal na droga ay tinatayang aabot umano sa halagang sampung libong piso.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect na kabilang sa listahan ng High Value Individual Regional Priority 10 ng PNP at PDEA. (PNP PRO2 PR)